Dolphin natagpuang patay sa pampang sa Ilocos Sur

ABS-CBN News

Posted at Sep 20 2019 08:55 PM

Kuha ni John Daryll Billeza.

Isang dolphin o lumba-lumba ang natagpuang patay sa isang pampang sa bayan ng Santa sa Ilocos Sur.

Natagpuan ng mga residente ng Barangay Casiber ang nasabing dolphin na tinatayang 5 anyos.

Hindi na nalaman ang sanhi ng pagkamatay dahil naaagnas na ito at agad na rin itong ibinaon. - Ulat ni Dianne Dy, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.