1 patay, 9 sugatan sa banggaan sa Negros Occidental

Nico Delfin, ABS-CBN News

Posted at Sep 20 2019 01:25 AM

Kuha ng Cadiz City Police

Patay ang isang tricycle driver habang sugatan naman ang 9 na iba pa sa isang banggaan sa Cadiz City, Negros Occidental nitong Martes.

Ayon sa pulisya, bumabaybay ang tricycle driver na si Carlito Bayona kasama ang 8 niyang pasahero sa national road sa Barangay Tinampaan, habang sinusundan siya ng motorsiklo ng isang Rodnie Lucero.

Mag-oovertake umano sila Bayona sa sinusundan nilang sasakyan ng mabangga sila ni Lucero na mag-oovertake din sa kanila.

Nasugatan si Lucero kasama na ang walong pasahero ni Bayona. Ayon sa pulisya, lima sa mga pasahero ay mga menor de edad.

Naisugod ang mga sugatan sa ospital, pero si Bayona nasawi dahil sa mga natamong sugat sa katawan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.