#WalangPasok: Biyernes, Setyembre 20

ABS-CBN News

Posted at Sep 19 2019 10:10 PM | Updated as of Sep 20 2019 05:59 AM

MAYNILA (5th UPDATE)—Walang pasok sa mga lugar na ito ngayong Biyernes, Setyembre 20 dahil sa inaasahang masamang panahon dala ng southwest monsoon o habagat:

LAHAT NG ANTAS

  • Batangas
    - Lemery
    - Nasugbu
    - Sto. Tomas
    - Taal
    - Tanauan
  • Cavite
  • Macabebe, Pampanga
  • Pangasinan
    - Lingayen
    - San Manuel
    - Urbiztondo
  • Rizal

PRESCHOOL HANGGANG SENIOR HIGH SCHOOL

  • Lipa City, Batangas
  • Baggao, Cagayan
  • Mangatarem, Pangasinan

Nagkansela rin ng klase ang Cagayan State University sa lahat ng kanilang campus.

Ayon sa PAGASA, lumakas pa ang bagyong Nimfa na nananatiling nasa hilagang bahagi ng bansa.

Makakaranas ng katamtaman hanggang malakas na pag-ulan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Central Luzon, Cagayan mainland, Isabela, Quirino at Nueva Vizcaya.

Inaasahan rin ang panaka-nakang pag-ulan sa Metro Manila at Calabarzon, maging sa bahagi ng mga lalawigan ng Mindoro, Marinduque, Camarines at Catanduanes.

I-refresh ang page na ito para sa updates.

Bisitahin ang ABS-CBN Weather Center para sa latest weather updates.