TINGNAN: Face mask ipinasuot sa mga mag-aaral sa Iloilo City laban sa haze

Regi Adosto, ABS-CBN News

Posted at Sep 19 2019 03:15 PM

Kapwa nakasuot ng face mask ang mag-inang ito habang papasok sa eskuwelahan ang anak bilang proteksiyon sa haze mula sa forest fires sa Indonesia na nakarating na sa bansa. Regi Adosto, ABS-CBN News

Ilang mga estudyante sa Iloilo City ang pinagsuot na ng face mask ng kanilang mga magulang matapos na marinig ang balita tungkol sa haze alert.

Anila, paraan ito upang maproteksiyonan ang mga bata na mahina ang resistensiya.

Isa ang lungsod sa mga lugar sa bansa na apektado ng haze mula sa forest fires sa Indonesia.

Nito lamang Martes ay nagbabala ang Environment Management Bureau (EMB) na umabot na sa Davao Region at Soccsksargen ang haze mula Indonesia.

Banggit naman ng PAGASA na hinihila ito papasok ng bansa ng umiiral na habagat o southwest monsoon. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.