26 estudyante isinugod sa ospital dulot ng maamoy na usok sa Negros Oriental

Nico Delfin, ABS-CBN News

Posted at Sep 19 2019 08:05 PM

Nasa 26 estudyante ang isinugod sa ospital matapos makalanghap ng masangsang na amoy sa isang paaralan sa bayan ng Vallehermoso sa Negros Oriental nitong Huwebes.

Natigil ang klase sa St. Francis High School nang makaramdam ng pagkahilo ang ilan sa mga estudyante matapos may pumasok na usok na may masangsang na amoy sa kanilang classroom.

Ilan sa kanila umano ay nahirapang huminga at hinimatay kaya umabot sa 26 na estudyante ang sabay-sabay isinugod sa municipal health clinic at karatig na ospital sa San Carlos City.

Hindi pa matukoy ng mga lokal na opisyal kung bahagi ang usok ng Indonesian haze na huling namataan sa probinsiya ng Cebu.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.