MRT-3 may libreng sakay para sa mga kawani ng gobyerno sa Sept. 19

ABS-CBN News

Posted at Sep 18 2019 08:12 PM

MANILA - May apat na oras na libreng sakay ang MRT-3 sa lahat ng kawani ng gobyerno sa Huwebes, Septyembre 19.

Ito'y bilang pakikiisa ng Department of Transportation at MRT sa pagdiriwang ng ika-119 anibersaryo ng Philippine civil service.

Ang libreng sakay sa mga kawani ng gobyerno ay mula alas 7:00 hanggang alas 9:00 ng umaga, at alas 5:00 hanggang alas 7:00 naman sa gabi.

Kailangan lang nilang ipakita ang kanilang ID na isyu ng ahensya ng pamahalaan na kanilang pinapasukan sa mga naka-duty na guwardiya sa service gates ng MRT para makapasok at makalabas sa mga estasyon.

- Ulat ni Dexter Ganibe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.