Mag-asawa, 8 iba pa tiklo sa droga, pagsusugal sa QC

ABS-CBN News

Posted at Sep 18 2019 04:58 AM

MAYNILA—Arestado ang 10 katao dahil sa droga at pagsusugal sa Barangay Payatas, Quezon City Martes ng gabi.

Unang hinuli ang babaeng si alyas Liza na nagluluto umano ng spaghetti noon.

Ayon sa suspek, wala siyang pambili ng sahog kaya naisipan niyang ibenta ang isang kuwintas.

Ibinenta niya ito sa halagang P700 pero ang ipinambayad umano sa kaniya ay P200 at pakete ng shabu.

Ayon sa pulisya, buy-bust ang nangyari at nabilhan ng shabu si Liza. Huli pati ang asawa niya at 8 lalaki na nagsusugal noon.

Kulong ang 10 sa Batasan Police Station.—Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.