9 pamilya inilikas dahil sa baha sa Iloilo

Jennifer Garcia Hernandez, ABS-CBN News

Posted at Sep 18 2019 01:02 AM

ILOILO - Mga 9 pamilya ang inilikas sa Iloilo City dahil sa pagtaas ng lebel ng tubig sa isang creek sa Barangay Calubijan nitong Martes.

Pinuntahan ng mga barangay officials ang ilang residente para hikayatin na lumikas, na kaniya-kaniyang binitbit ang ilang gamit mula sa bahay nila.

Ayon kay sa konsehal na si Rona Flores, kahit hindi pa man tumutunog ang early warning system ng barangay at tumataas na ang lebel ng tubig sa creek ay pinapalikas na ang ilang residente.

“Kahit walang alert level one at ganito kalalim ang lebel ng tubig pinapalikas na naming ang mga residente. Ang ilan sa kanila kusa namang lumilikas,” ani Flores.

Ayon sa residenteng si Rosemarie Calaor, umabot na hanggang bintana ang lebel ng tubig kaya umalis na lang sila sa bahay.

“Lagpas na sa bintana ang lalim ng tubig kaya para ligtas kami umalis na lang kami ng bahay,” ani Calaor.

Ganito ang kalagayan ng ilang residente sa nasabing barangay sa tuwing bubuhos ang ulan. Kaya plano nila humingi sa lokal na pamahalaan para iwas baha.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.