Mahigit 300 Chinese, sangkot umano sa illegal online gambling sa Palawan

Rex Ruta, ABS-CBN News

Posted at Sep 16 2019 10:22 PM

PUERTO PRINCESA CITY - Mahigit 300 Chinese nationals ang hawak ngayon ng Bureau of Immigration sa Puerto Princesa City matapos na magsagawa ng operasyon katuwang ang Armed Forces of the Philippines.

Matagal nang isinagawa ang surveillance sa walong establisyemento dahil sa gambling operation ng mga dayuhan.

Inipon sila sa isang hotel para doon na muna ikustodiya habang patuloy na isinasagawa ang pag-imbentaryo.

Kinumpiska ang mga laptop, cellphone, SIM card at iba pang gadget na ginagamit sa kanilang ilegal na operasyon.

Kinuha rin ang mga passport para dumaan sa validation. 

Napag-alaman rin na ang mga dayuhan ay nag-ooperate na walang permit at kaukulang visa.

Hinihintay rin ang pagdating ng Chinese police para mag-imbentaryo din sa forensic evidence.

Maaari ding maharap sa violation of the condition of stay and undesirability ang mga Chinese.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.