Lalaki sugatan nang madamay sa rambol sa QC

ABS-CBN News

Posted at Sep 16 2019 03:04 PM

Nasugatan ang isang lalaking may kapansanan matapos madamay sa rambol ng mga kabataan sa Quezon City noong gabi ng Linggo.

Dinala sa ospital ang lalaki na nagtamo ng mga sugat makaraang madamay sa gulo ng mga teenager na nasa edad 15 pataas, sa may IBP Road na sakop ng Barangay Commonwealth.

Nakatambay lang ang lalaki nang maipit sa gitna ng gulo, ayon sa mga testigo.

Nagkabatuhan pa raw ang mga dawit sa rambol ng mga bote at lupa.

Marami umano ang sangkot sa gulo pero nakatakas ang iba at isa lang ang nahuli ng mga tauhan ng barangay.

Dahil sa nangyari, papaigtingin ng pulisya ang pagbabantay sa lugar at magpapatupad ng curfew sa mga menor de edad, ayon kay Maj. Sandie Caparroso ng Quezon City Police District.

-- Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.