PANOORIN: Ilang residente tinawid ang bahang tila lagaslasan sa Quezon

ABS-CBN News

Posted at Sep 15 2019 12:19 AM

Courtesy of Sharline Esplana

Di napigilan ng baha ang ilang residente ng bayan ng General Luna sa Quezon na makauwi kahit delikadong harapin ito.

Sa makikitang video na ipinost ni Sharline Esplana sa Facebook, tinahak ng ilang residente ang isang spillway sa Barangay Sumilang na nagmistulang lagaslasan dahil sa lakas nito.

 

Ang mga iba naman, katulad ni Esplana, ay naghintay na lang na humupa ang daloy ng tubig para makasigurado na ligtas sila makauwi.

 

Ayon sa PAGASA, dala na habagat ang malakas na ulan na nagdulot ng baha sa probinsya ng Quezon.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.