Kindergarten student dinukot, pinatay umano ng kapitbahay

ABS-CBN News

Posted at Sep 15 2019 05:10 PM | Updated as of Sep 15 2019 09:04 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

SAN JOSE DEL MONTE, Bulacan — Patay ang isang 5-anyos na babae sa bayan na ito matapos umanong dukutin at bagsakan ng bato ng isang lalaking suspek.

Ayon sa ina ng biktima, hindi niya namalayan na dinukot na pala ang kaniyang anak sa loob ng kanilang inuupahang kuwarto. 

Kapitbahay umano nilang lalaki ang salarin. Hinabol pa ito ng mga residente pero hindi na naabutan. 

Makalipas ang ilang oras ay natagpuan na ang batang babae sa isang masukal na sagingan. Duguan ang bata nang isugod sa ospital pero binawian din ng buhay.

Hindi pa malinaw ang motibo sa krimen.

Ayon sa ina ng bata, pangarap ng kaniyang anak na maging guro para umano makatulong sa pamilya. 

Humihingi ng tulong kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pamilya ng kindergarten student.

Patuloy naman ang pagtugis sa suspek. —Ulat ni Henry Atuelan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.