Drug suspek patay, P27-M halaga ng droga nasamsam sa QC

ABS-CBN News

Posted at Sep 15 2019 09:38 AM | Updated as of Sep 15 2019 06:19 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Patay ang isang drug suspek matapos umanong manlaban sa mga awtoridad sa isang buy-bust operation sa Quezon City nitong Linggo ng madaling araw.

Nasamsam ang P27.2 milyong halaga ng hinihinalang shabu mula sa suspek na kinilalang si Edgardo Alfonso.

Napag-alaman na ang utos sa operasyon ng bentahan ng droga ay nanggagaling sa isang drug lord na nakakulong sa New Bilibid Prison, ayon kay Metro Manila Police chief Major Gen. Guillermo Eleazar.

Hindi muna pinangalanan ni Eleazar ang grupong kinabibilangan ng suspek dahil may ikinakasa pa umanong follow-up operation.

Base sa inisyal na imbestigasyon, sa may gasoline station sa may P. Tuazon sana gaganapin ang bentahan ng droga pero nakatunog ang suspek kaya pinaputukan nito ang poseur buyer at tumakbo.

Hinabol ng mga operatiba ang suspek hanggang sa na-korner sa may Del Pilar Sreet.

Nakuha sa crime scene ang isang kalibre 45 na baril.-- Ulat nina Fred Cipres at Kevin Manalo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.