Construction worker timbog sa 'panggagahasa' ng baboy

ABS-CBN News

Posted at Sep 15 2019 05:08 PM | Updated as of Sep 16 2019 07:27 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Naaresto noong Biyernes sa bayan ng Sual, Pangasinan ang isang construction worker matapos umanong manggahasa ng alagang baboy ng kapitbahay.

Natagpuan noong umaga ng Biyernes ng may-ari ng baboy ang kaniyang alaga na duguan ang puwerta at nanghihina.

Nakita sa labas ng kulungan ang tsinelas ng 21 anyos na suspek.

Umamin umano ang suspek sa mga may-ari ng baboy ukol sa panghahalay nang kausapin ng mga may-ari ang ina niya.

Lasing ang suspek nang gawin ang panghahalay, ayon kay Fredwin Sernio, hepe ng Sual police.

Tumangging magbigay ng pahayag ang suspek.

Kinasuhan ng paglabag sa Animal Welfare Act at grave scandal ang suspek.

Ipinatingin naman sa beterinaryo ang baboy. —Ulat ni Joanna Tacason, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.