Bata patay sa pagsalpok ng dump truck sa bahay sa Surigao

ABS-CBN News

Posted at Sep 15 2019 03:32 PM

Napatay ang isang 3 anyos na lalaki habang 2 iba pa ang sugatan matapos salpukin ng isang dump truck ang isang tricycle at bahay sa Surigao City ngayong Linggo.

Kinilala ang nasawi bilang si BJ Sherman Alcantara habang nasugatan naman ang kapatid ni BJ at si Filborg Aclo, ang tricycle driver.

Nawalan ng preno ang dump truck na may kargang buhangin, at mabilis na dumeretso at bumangga sa tricycle ni Aclo at bahay ng pamilya Alcantara sa Barangay Cagniog.

Dahil sa lakas ng pagbangga, nawasak din ang bahay ng pamilya Alcantara.

Sumuko ang driver na si James Castillo, na ngayo'y nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide, serious physical injury and damage to property. -- Ulat ni Richmond Hinayon, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.