3 sasakyan nagkarambola sa NLEX

Jekki Pascual, ABS-CBN News

Posted at Sep 14 2019 08:35 AM | Updated as of Sep 14 2019 08:48 AM

Naipit ang driver sa minamaneho niyang closed van na halos mayupi matapos mabangga sa isang van at SUV sa NLEX. Jekki Pascual, ABS-CBN News

MAYNILA – Tatlong sasakyan ang nagkarambola sa kahabaan ng North Luzon Expressway (NLEX) sa bahagi ng Bocaue sa Bulacan, Sabado ng umaga.

Kinasangkutan ito ng isang closed van, isa pang van at SUV.

Naipit pa ang driver ng truck na si Peter Valencia at natagalan ang pag-rescue sa kaniya.

Mabagal ang takbo ng mga sasakyan ngayon sa NLEX Bocaue matapos magkaroon ng karambola.

Aminado si Valencia na nawalan siya ng kontrol sa closed van dahil hindi na aniya gumagana ang preno. Nagtamo ng minor injury ang dalawa niyang pahinante.

Suwerteng walang nasugatan sa ibang sakay ng mga sasakyan.

Pero dahil was aksidente, nagdulot ito ng pagbagal sa daloy ng trapiko.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.