ALAMIN: Mga aayusing kalsada sa Metro Manila, Sept. 13-16

ABS-CBN News

Posted at Sep 13 2019 06:23 PM | Updated as of Sep 13 2019 07:01 PM

Nag-abiso ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magkakaroon ng road reblocking o pagkukumpuni sa ilang kalsada sa Metro Manila simula alas-11 ng gabi ng Setyembre 13, Biyernes. 

Magtatagal ito hanggang alas-5 ng umaga ng Setyembre 16, Lunes. 

Narito ang mga apektadong lugar:

 SOUTHBOUND:

  • EDSA-Bansalangin hanggang North Avenue (U-turn), ika-5 lane mula sa bangketa. 
  • EDSA-Magallanes-Baclaran Bus Stop hanggang Magallanes-Alabang Bus Stop
  • C-5 Road malapit sa Market! Market! Mall
  • C-5 Road kaharap ng Palar Village sa Taguig City

EASTBOUND:

  •  Quirino Highway-Salvia Street bago mag-Belfast Road (outer lane)
  • Elliptical Road pagkatapos ng Maharlika Street (ika-8 lane mula sa labasan na sidewalk)

 WESTBOUND:

  •  General Luis Street-Rebisco Road hanggang SB Road

 NORTHBOUND:

  • A. Bonifacio Ave. hanggang Selecta Drive (unang lane mula sa bangketa)
  •  Batasan/San Mateo Rd. kaharap ng Petron (unang lane mula sa center island)
  •  EDSA Main Ave. hanggang bago mag-P. Tuazon tunnel (unang lane mula sa bangketa. 
  •  Katipunan Avenue/C-5 Road pagkatapos ang CP Garcia St. (truck lane)

Nag-abiso ang MMDA sa mga motorista na maghanap na lang muna ng mga alternatibong ruta.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.