Softshell turtle nabingwit sa Ilocos Norte

Bryan Realgo, ABS-CBN News

Posted at Sep 13 2018 06:27 PM

SOLSONA, Ilocos Norte - Isang softshell turtle ang nabingwit ng isang mangingisda dito sa bayan, Huwebes.

Ayon sa lolong nakahuli sa endangered na pagong, nangingisda siya sa isang ilog sa Barangay Santiago nang kagatin ng pagong ang pain na para sana sa mga isda.

Ang softshell turtle na karaniwang namumuhay sa fresh water ay itinuturing na endangered species dahil nanganganib nang maubos ang mga ito, ayon sa International Union For Conservation of Nature.

'Di tulad ng karaniwang pagong, malambot ang katawan ng soft-shell turtle at humahaba din ang nguso nito.

Dinala ito sa Provincial Environment and Natural Resources Office upang masuri dahil naiwan sa lalamunan nito ang kawit ng bingwit.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.