Jail guards at preso, patay sa pananambang sa Cebu City

Annie Perez, ABS-CBN News

Posted at Sep 13 2018 10:51 AM

Pinaulanan ng bala ang behikulo ng Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Center sa Barangay Kalunasan habang papuntang Hall of Justice para sa isang hearing. Nasawi sa insidente ang 2 jailguards at 1 inmate. Larawan mula kay Renante Labrica

CEBU CITY -- Tinambangan ng hindi pa nakikilalang mga salaring sakay ng motorsiklo ang behikulo ng Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Center habang papunta sa isang court hearing, Huwebes ng umaga.

Sa paunang ulat, 3 umano ang nasawi sa insidente kabilang na ang inmate na si Jerrifer Peregrino at prison guards na sina Benjie Bayotas at Joel Teves.

Binabaybay umano nila ang Barangay Kalunasan patungong Hall of Justice sa Cebu City nang tambangan.

Si Peregrino ay isa umanong high value target na sasampahan ng karagdagang kaso matapos na mahulihan ng sachets ng hinihinalang droga sa loob ng kaniyang selda noong nakaraang Biyernes.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.