4 lalaki naaktuhan sa drug session sa Meycauayan motel

ABS-CBN News

Posted at Sep 12 2018 06:48 PM | Updated as of Jan 27 2020 03:44 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Naaresto ang apat katao, kabilang ang isang school official, na naaktuhan ng pulisya habang gumagamit ng shabu sa isang motel sa Meycauayan, Bulacan.

Nadatnan pa ng Meycauayan police na nakahubad ang apat na lalaking suspek nang salakayin nila ang kuwartong tinutuluyan ng mga ito noong Sabado.

Nakuha sa mga suspek ang mga sachet ng shabu at drug paraphernalia.

Ayon kay Superintendent Santos Mera, hepe ng Meycauayan police, matagal na silang nakatatanggap ng sumbong mula sa ilang estudyante sa eskuwelahang pinapasukan ng isa sa mga suspek.

Hindi naman bababa sa 20 ang naaresto ng Meycuayan police na may kinalaman sa ilegal na droga nitong nagdaang linggo.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

-- Ulat ni Doland Castro, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.