Teenager ipinaaresto ang ex dahil sa bantang pagpapakalat ng sex video

ABS-CBN News

Posted at Sep 11 2019 06:30 PM | Updated as of Sep 12 2019 06:48 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Inaresto ng NBI ang isang lalaking nagbanta sa dati niyang nobya na ipakakalat ang kanilang sex video kung hindi sila magtatalik.

Sa isang apartelle hinuli ng mga tauhan ng NBI anti-organized transnational crimes division ang suspek na si Alpierre Raviz, na makikipagkita sana sa dati niyang nobyang si alyas Mich.

Enero nang maging magkasintahan sina Raviz at noo'y 16 anyos na si Mich matapos magkakilala sa social media, ayon sa kuwento ng ina ni babae.

Nagsimula umanong pagbantaan ng suspek ang babae na ikakalat ang kanilang video nang makipaghiwalay si Mich dahil nalamang may anak at kinakasama pala ang suspek.

Ilang beses pa raw ginamit ng suspek si Mich sa pangakong buburahin niya ang mga retrato at video sa bawat pagkikita.

Ikinulong ang suspek sa mga kasong child abuse, grave threat, at mga paglabag sa Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 at Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009. -- Ulat ni Niko Baua, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.