70 kilo ng mishandled meat nakumpiska sa Commonwealth Market

ABS-CBN News

Posted at Sep 11 2018 08:11 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA - Kinumpiska ng mga awtoridad ang nasa 70 kilo ng mishandled meat sa Commonwealth Market, Quezon City ngayong Martes ng madaling-araw. 

Ito'y kasabay ng pinaigting na inspeksyon sa mga palengke dahil sa talamak umanong pagbebenta ng botcha tuwing "ber" months, ayon kay Dra. Ana Mari Cabel ng City Veterinarian Office. 

Nagkakahalaga ng P10,000 ang mishandled na karne ng baboy na nakumpiska sa 6 na stalls sa Commonwealth Market. 

Sinuyod din ng mga awtoridad ang Novaliches Market, ngunit wala silang nakumpiskang karne rito. 

Itinuturing na mishandled ang karne kapag wala ito sa chiller o freezer, na maaaring maging sanhi ng kontaminasyon at mahigpit na ipinagbabawal sa ilalim ng Meat Inspection Code, sabi ni Cabel. 

Maaari aniyang pagmultahin o tanggalan ng business permit ang mga mahuhuling lumalabag sa naturang regulasyon. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.