Mahigit P13 milyong halaga ng shabu, nasamsam sa Cavite

Arra Perez, ABS-CBN News

Posted at Sep 09 2019 10:07 PM

MAYNILA - Nasabat sa buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency - National Capital Region (PDEA-NCR) sa kahabaan ng Emilio Aguinaldo Highway sa Imus, Cavite ang aabot sa P13.6 million na halaga ng hinihinalang shabu nitong Lunes.

Ayon kay Atty. George Paul Alcovindas, officer-in-charge ng PDEA-NCR, tatlong suspek ang naaresto.

Dalawang kilo ng shabu ang nakuha sa mga suspek.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.