Lalaki patay nang mabagsakan ng water tank sa Zamboanga

ABS-CBN News

Posted at Sep 09 2019 05:08 PM

Napatay ang isang lalaki matapos mabagsakan ng water tank sa Zamboanga City, sabi ngayong Lunes ng pulisya.

Dinidiskarga ni Joseph Jatico ang mga dala ng kanilang truck noong Sabado sa Barangay Sinubong nang mangyari ang insidente, ayon kay Capt. Alvin Cabayacruz.

Habang ibinababa ang drum ng diesel, bigla raw gumulong ang water tank at bumagsak kay Jatico.

Binawian ng buhay si Jatico habang isinusugod sa ospital.

Kinuha umano ng pulisya ang truck.

-- Ulat ni Leizel Lacastesantos, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.