Lalaki patay nang tumilapon ang minamanehong traysikel sa Iloilo

ABS-CBN News

Posted at Sep 08 2019 03:52 PM

NEW LUCENA, Iloilo — Binawian ng buhay noong gabi ng Sabado ang isang lalaki dito matapos tumilapon sa palayan ang minamaneho niyang traysikel.

Nawalan ng kontrol sa traysikel ang nasawing si Jerry Habagat, dahilan para dumiretso siya sa palayan, ayon sa New Lucena police.

Nadaganan si Lucena ng traysikel nang sumemplang sa palayan sa Barnagay Dawis.

Papunta sa bayan ng Dumangas si Habagat mula sa pinagtatrabahuhan sa New Lucena nang madisgrasya.

Pinaniniwalaan din ng mga awtoridad na nasa ilalim ng impluwensiya ng alak si Habagat nang mangyari ang insidente.

-- Ulat ni Jennifer Garcia, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.