Higit P3-M halaga ng shabu, nasabat mula sa tricycle driver sa Taguig

ABS-CBN News

Posted at Sep 08 2019 12:35 AM | Updated as of Sep 08 2019 05:48 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA—Higit P3 milyong halaga na hinihinalang shabu ang nasamsam mula sa isang tricycle driver at kasama nito sa lungsod ng Taguig nitong Sabado.

Ayon sa pulisya, mga P3.4 milyong halaga ang nasabat sa mga suspek sa isang buy-bust operation sa FTI Terminal Arca South sa Western Bicutan.

Nakalagay ang nakompiskang ilegal na droga sa 10 plastic sachet.

Mahaharap sa kasong paglabag ng Dangerous Drugs Act ang mga suspek.

—May ulat ni Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.