Truck tumagilid sa coastal road

Jekki Pascual, ABS-CBN News

Posted at Sep 07 2019 10:17 AM | Updated as of Sep 07 2019 02:29 PM


MAYNILA – Inaasahang maaalis na ngayong Sabado ang tumagilid na truck sa coastal road papuntang Bacoor sa Cavite noong Biyernes ng hapon.

Ayon sa traffic office ng Cavite Expressway, hindi agad natanggal ang truck at karga nitong container dahil nagkaroon ng problema ang paglilipatan nito. Nagkaroon din ng malakas na pag-ulan Biyernes ng gabi.

Nasa outer lane ang truck kaya nakakaraan naman ang mga sasakyan. Pero pinag-iingat ang mga motorista sa lugar dahil nasa pakurbadang bahagi ng daan ang nakatagilid na truck.

Kuwento ng driver ng truck, mabagal naman ang kanilang takbo pero dahan-dahan umanong tumagilid pakanan ang karga nilang 40-foot container hanggang sa sumama na ang trailer sa pagtagilid.

Suwerteng walang nasaktan sa insidente.

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.