Public veterinary clinic planong buksan sa QC

ABS-CBN News

Posted at Sep 07 2019 10:52 AM

MANILA - Nakatakdang buksan ang isang pampublikong veterinary clinic sa Quezon City kung saan makakapagpa-bakuna at maayusan ang mga alagang hayop sa mababang halaga.

Ayon sa lokal na pamahalaan ng Quezon City, libre ang pagpapabakuna ng anti-rabies, at abot-kaya naman ang deworming, grooming, consultation, at gamot para sa mga alagang hayop.

Kailangan ng pampublikong veterinary clinic para magkaroon ng access sa murang pet services ang mga residente ng Quezon City na mababa ang suweldo, ayon sa Ordinance No. 2854-2019 ng lungsod.

Ang City Veterinary Department ang mamamahala sa naturang clinic.

Patuloy pang inaayos ng pamahalaang panlungsod ang implementing rules and regulations ng batas kaya hindi pa natutukoy kung magkano ang ilalaan na pondo para dito.

Pinag-aaralan pa rin ng mga awtoridad kung saan at kailan ito bubuksan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.