Lalaki natagpuang patay sa tabi ng kalsada sa Quezon City

ABS-CBN News

Posted at Sep 07 2019 12:11 AM

Isang lalaki ang natagpuang patay sa sasakyan na ito sa Elliptical Road sa Quezon City nitong Biyernes, Sept. 6, 2019.

MANILA - Natagpuang patay ang isang lalaki sa kanyang sasakyan sa tabi ng Elliptical Road sa Quezon City nitong Biyernes.

Ayon sa Kamuning Police Station, may tumawag na isang testigo na nakita ang biktima na itinabi ang sasakyan, bumaba, at saka nagsuka ng dugo.

Bumalik sa sasakyan ang lalaki pero muling sumuka ito ng dugo at saka nawalan ng malay.

Nang lapitan na ng mga awtoridad ang biktima, patay na umano ito.

Inaalam na ang sanhi ng pagkamatay ng biktima. - Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.