Ilang kalsada sa Metro Manila isinara para sa road reblocking at repair

Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News

Posted at Sep 07 2019 10:06 AM

Nabakbak na ang ilang parte ng EDSA partikular sa bahagi ng P. Tuazon para sa road repair work ng DPWH. Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News

MAYNILA - Isinara ang ilang bahagi ng mga pangunahing kalsada sa Metro Manila simula pa Biyernes dahil sa iba’t ibang proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sa ilang parte ng EDSA gaya sa may P. Tuazon, hinukay ang kalsada para palitan ang aspalto.

Damay din sa reblocking ang mga bahagi ng C5, Katipunan, Batasan-San Mateo Road, A. Bonifacio, at Quirino Highway.

Tuloy-tuloy ang repair work hanggang madaling araw ng Lunes, Setyembre 9, kung kailan mabubuksan ulit ang mga isinarang kalsada.

Sunod-sunod na weekend isasagawa ang reblocking scheme sa mga naturang lugar para mabigyang-daan ang pagpapaayos sa mga ito.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.