ALAMIN: Kapitbahay na may maingay na hayop maaari bang kasuhan

ABS-CBN News

Posted at Sep 07 2019 05:22 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Kamakailan ay nag-viral sa bansang France ang paglilitis ukol sa reklamo laban sa maingay na pagtilaok ng isang manok.

Sa Pilipinas, maaari rin aniyang mangyari ito, ayon kay Atty. Claire Castro, kung saan mahaharap sa kasong sibil ang nag-aalaga ng maingay na hayop.

Ani Castro, maituturing na "public nuisance" ang pagpapabaya sa mga hayop na gumawa ng ingay - na saklaw ng Civil Code of the Philippines. 

Halimbawa rito ang mga maingay na aso ng kapitbahay. 

"Kumbaga ito, sagabal, istorbo... sa English tinatawag mong nuisance. Minsan hindi mo ginugusto [mag-ingay ang alaga mo] pero nagiging sagabal ka eh," ani Castro. 

"Definitely 'yung aso hindi natin minsan mapipigil 'yan... [Pero may ilan] na puwedeng gawan ng paraan," dagdag ng abogado.

Maaaring pagbayarin ng danyos ang sino mang makakasuhan ng public nuisance. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.