Bodega ng umano'y smuggled rice mula Tsina, ni-raid

Maan Macapagal, ABS-CBN News

Posted at Sep 07 2018 04:39 AM | Updated as of Sep 07 2018 05:49 AM

Contributed photo

MAYNILA - Sinalakay ng mga awtoridad ang ilang bodega sa Bulacan na umano'y naglalaman ng mga smuggled rice mula Tsina.

Ayon sa mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) at Bureau of Customs (BOC), nakaimbak ang mga sako-sakong bigas sa humigit-kumulang 6 na bodega.

Ipinagtataka ng mga awtoridad kung bakit may nakalagay na "milled and packed in China" sa mga sako. 

Contributed photo

Umaangkat lamang ng bigas ang Pilipinas sa Thailand at Vietnam, anila.

Nakatakdang buksan ng mga pulis at taga-Customs ang ibang bodega ngayong araw.

Inaalam na rin nila kung sino ang may-ari ng mga nasabing bodega. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.