ALAMIN: Mga kalsadang kukumpunihin sa Kamaynilaan sa weekend

ABS-CBN News

Posted at Sep 07 2018 04:32 PM

Ginagawa ang isang kalsada sa Quezon City noong Agosto 10, 2018. Jonathan Cellona, ABS-CBN News

Magkakaroon ng road reblocking at repair o pagkukumpuni sa ilang kalsada sa Metro Manila simula gabi ng Biyernes, Setyembre 7, 2018, ayon sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA). 

Isasagawa ang pagkukumpuni simula alas-11 ng gabi nitong Biyernes, Setyembre 7, 2018, hanggang alas-5 ng umaga ng Setyembre 10, 2018, sa mga sumusunod na kalsada:

SOUTHBOUND: 
• C-5 Road bago mag-Tiendesitas, papalapit sa C-5 Ortigas Flyover
• C-5 Road (Gap 3) Chainage 52 – Chainage 420 (1st lane)
• EDSA sa harap ng Francesca Tower hanggang sa Sct. Borromeo (3rd lane mula sa center island)

NORTHBOUND:

• EDSA bago mag-North Avenue (6th lane mula sa center island)
• A.H Lacson Ave. cor. Aragon St., at cor. P. Florentino St.
• Batasan Road bago mag-Payatas Road at sa harap ng QCPU (2nd lane)

Samantala, magkakaroon ng pavement restoration ang Manila Water Co. Inc. sa isang bahagi ng C-5 pagkatapos ng intersection ng Green Meadows – C5 Road (pagkatapos ng Jollibee). Isasama ang unang lane mula alas-10 nitong gabi ng Setyembre 7 hanggang alas-4 ng umaga ng Lunes, Setyembre 10. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.