Retiradong sundalo, 3 iba pa huli sa drug session sa Taguig

ABS-CBN News

Posted at Sep 06 2019 04:01 AM

MAYNILA—Arestado ang 4 katao, kabilang ang isang retiradong sundalo, sa drug session sa Barangay North Signal, lungsod ng Taguig Huwebes ng gabi.

Ayon kay Police Lt. Col Libreto Buisan ng Taguig City police, nakatanggap sila ng impormasyon ukol sa drug session sa bahay ni alyas Pedro.

Nahuli sa akto na gumagamit ng droga si Pedro, asawa niya, at 2 lalaking nangungupahan sa kanila.

Napag-alamang isang retired lieutenant colonel ng Philippine Army si Pedro batay sa nakuhang ID mula rito.

Nakumpiska sa mga suspek ang 6 na sachet ng hinihinalang shabu at drug paraphernalia. — Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.