DOTr ipinaliwanag kung bakit dapat walang bus terminals sa EDSA

ABS-CBN News

Posted at Sep 05 2019 02:19 PM | Updated as of Sep 05 2019 02:36 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Matagal nang inihihirit ang paglipat ng mga provincial bus terminals mula EDSA papunta sa mga interim terminal sa Valenzuela City at Sta. Rosa, Laguna.

Layunin ng plano na maibsan ang trapiko sa naturang pangunahing kalsada, pero marami pa rin ang bumabatikos dito.

Ayon sa mga kritiko, dagdag pasanin ito lalo na sa mga pasahero na kailangang magdagdag ng pasahe.

Katuwiran naman ni Department of Transportation (DOTr) Undersecretary Mark Richmund De Leon, wala kasi dapat nakasasagabal na establisimyento sa EDSA tulad ng mga terminals, lalo na't arterial road ito.

"Main artery 'yan, it's supposed to be a main arterial road. Dapat walang mga nakasagabal diyan na establisimyento tulad ng mga terminals sa mga kalsada para tuloy-tuloy ang daloy ng trapiko," ani De Leon sa "Usapang de Campanilla" noong Miyerkoles.

Ayon kay De Leon, aabot sa halos 40 bus terminals ang nakakalat sa EDSA. Halos kalahati ito ng 80 bus terminals sa Kamaynilaan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.