Bangkay natagpuan sa loob ng maleta; suspek na anak patay nang manlaban umano

Chrisel Almonia, ABS-CBN News

Posted at Sep 05 2019 07:46 PM

ZAMBOANGA CITY - Natagpuan ang pira-pirasong katawan ng isang matandang babae sa loob ng maleta sa Barangay Sinunuc dito sa siyudad Huwebes.

Patay naman ang anak ng biktima na suspek sa pagpatay matapos manlaban umano sa pulisya.

Ayon sa mga residente, nangangamoy na ang bangkay at maaaring ilang araw na rin ang nakalipas mula nang ito'y patayin.

Kuwento pa ng mga kapitbahay, dati pa man ay sinasaktan na ng suspek ang biktima.

Dati na umano itong nalulong sa droga at may sakit na din sa pag-iisip.

Sa follow-up operation ng mga awtoridad, aarestuhin na sana ang suspek sa bahay nito ngunit nanlaban ito sa pulis gamit ang itak.

Nagtamo ng tama ng bala ang suspek na siyang ikinamatay nito.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.