P170-K halaga ng droga nakumpiska, 8 suspek huli sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at Sep 04 2019 02:19 PM

Aabot sa P170,000 halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska sa 8 suspek sa isang bahay sa Maynila ngayong Miyerkoles.

Sa bisa ng search warrant, hinalughog ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency at Manila Police District ang isang bahay sa Geronimo Street, Sampaloc district, na umano ay ginagamit bilang drug den.

Naaresto ang 7 lalaki at isang babae na umano ay mga notoryus sa paggamit at pagbebenta ng droga sa lugar.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek. -- Ulat ni Johnson Manabat, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.