4 na magkakamag-anak timbog sa Makati buy-bust

ABS-CBN News

Posted at Sep 04 2019 04:32 AM

MAYNILA—Arestado ang 4 na magkakamag-anak sa buy-bust operation sa Barangay East Rembo, Makati City.

Target ng mga pulis ang isang retired army personnel na sangkot umano sa pagtutulak.

Inaresto ang 64 anyos na suspek nang mabilhan siya ng P500 halaga ng hinihinalang shabu.

Nang lusubin ng mga operatiba ang kaniyang bahay, naabutan dito ang 3 niyang kaanak na gumagamit umano ng shabu.

Nasamsam sa kanila ang 27 sachet ng hinihinalang shabu at drug paraphernalia.—Ulat ni Fred Cipres, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.