Bata pumanaw na 3 araw matapos masugatan sa aksidente sa Antipolo

ABS-CBN News

Posted at Sep 03 2019 07:02 PM

MANILA - Pumanaw na ang isang batang nasugatan sa malagim na banggaan ng isang trak at pampasaherong jeep sa Sumulong Highway sa Antipolo City noong Sabado.

Ayon sa pulisya, pumanaw na si Ivan Jay Paglinawan, 15, nitong Lunes sa Labor Hospital sa Marikina City.

Isa si Paglinawan sa mga pasaherong nadaganan ng trailer na kumalas sa nasabing trak matapos ito mawalan ng preno sa Barangay Mambugan.

Bukod kay Paglinawan, anim na iba pa ang namatay at 3 ang nasugatan sa trahedya. Dalawang jeep na nakaparada din ang nadamay sa aksidente, ayon sa pulisya.

Hindi pa lumalantad hanggang ngayon ang driver ng truck na nagtago kasunod ng insidente. - May ulat nina Jeck Batallones at Arra Perez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.