2 Chinese dawit sa 'panggagahasa' ng kasambahay sa Parañaque

ABS-CBN News

Posted at Sep 03 2019 05:09 PM | Updated as of Sep 03 2019 09:05 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Naaresto noong Lunes ang 2 Chinese matapos umanong manggahasa ng kasambahay sa Barangay Baclaran, Parañaque City, ayon sa pulisya.

Sa ulat ng Parañaque police, kinilala ang mga suspek bilang sina Zhangqiu Cheng, 36, at Yongsheng Zhao, 20, na parehong call center agent.

Stay-in na kasambahay ang 27 anyos na biktima sa unit na tinutuluyan ng mga suspek sa T. Alonzo Street, Barangay Baclaran, ayon sa ulat.

Bandang alas-3 ng madaling araw, pinasok ni Zhao ang kuwarto ng biktima at ginahasa ito, kuwento ni Police Lt Col. Jun Sacro Jr. sa panayam ng ABS-CBN News.

Nakapiglas ang biktima at nakalabas ng kuwarto kung saan nakaabang naman si Cheng, na nangmolestiya sa kaniya, ani Sacro.

Nagsisigaw at nakatakbo ang biktima, na sinaklolohan ng mga guwardiya.

Nakainom umano ang mga suspek noong mangyari ang krimen.

Kinasuhan ng rape si Zhao habang attempted rape naman ang isinampa laban kay Cheng.

-- May ulat ni Jerome Lantin, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.