P9.5-milyong halaga ng 'shabu', nasabat sa Cebu; binatilyong tulak, timbog

Aiza Layague, ABS-CBN News

Posted at Sep 02 2019 08:50 PM

CEBU CITY - Timbog sa buy-bust operation ang isang binatilyo matapos maaktuhan ng mga pulis na nagtutulak ng droga sa Barangay Calamba, Cebu City Lunes ng hapon.

Aabot P9.5 million na halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat mula sa 15 anyos na suspek.

Ayon sa awtoridad, kabilang ito sa isang drug group na aktibo sa Cebu City.

Ayon sa hepe ng San Nicolas Police Station Police na si Police Major Kenneth Paul Albotra, dalawang linggo rin nilang sinubaybayan ang transaksyon ng binatilyo at grupo nito matapos lumabas ang kanilang pangalan mula sa naunang nahuling supplier ng ilegal na droga

Galing umano sa loob ng New Bilibid Prison ang contact at source ng suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.