20 menor de edad nasagip sa lansangan, curfew ipatutupad na sa Maynila

Jekki Pascual, ABS-CBN News

Posted at Sep 02 2019 08:14 AM

MAYNILA - Nasagip ang 20 menor de edad sa isinagawang surprise inspection ni Mayor Isko Moreno sa Tondo nitong Lunes.

Dismayado si Moreno sa napakaraming batang pakalat-kalat sa lansangan disoras ng gabi. Ang ibang kabataan ay nahuling nagsosolvent at umiinom ng alak. 

Simula Lunes, mas istrikto nang ipatutupad ang ordinansa sa curfew. Ipatatawag ni Moreno ang mga pulis at pag-uusapan ang curfew para sa mga menor de edad.

Nagpaalala si Moreno sa mga magulang na bantayan at gabayan lagi ang mga anak.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.