Inspektor ng BuCor patay sa pamamaril

ABS-CBN News

Posted at Sep 02 2018 06:35 PM | Updated as of Sep 04 2018 11:00 PM

MANILA - Patay ang isang inspektor ng Bureau of Correction nang tambangan ng hindi pa nakikilalang salarin sa New Bilibid Prison (NBP) Reservation sa Muntinlupa City, Linggo ng hapon. 

Ayon sa mga awtoridad, sakay ng motorsiklo si Inspector Rommel Reyes nang harangin at barilin ng nakamotorsiklo ring salarin sa may Sunken Garden ng NBP Reservation. Dead on the spot ang biktima. 

Watch more in iWant or TFC.tv

Nakasibilyan lamang si Reyes kaya malamang na hindi ito galing sa opisina sa Bureau of Correction at may hinatid lamang sa lugar, dagdag pa ng mga imbestigador.

Ikinagulat naman ni Bureau of Corrections Director Ronald “Bato” dela Rosa ang pamamaril, lalo't sa loob ng NBP Reservation pa ito nangyari. Iniimbestigahan na ang krimen.

-- Ulat nina Jerome Lantin at Maan Macapagal, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.