TINGNAN: Ilang daan sa Cebu City, binaha dulot ng malakas na pag-ulan

Aiza Layague, ABS-CBN News

Posted at Sep 01 2018 07:34 PM

Nagdulot ng baha ang katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan sa Cebu City nitong Sabado. ABS-CBN News

CEBU CITY—Binaha ang ilang kalsada sa lungsod na ito matapos bumuhos ang malakas na ulan nitong Sabado ng hapon.

Umabot sa halos lampas tuhod ang baha sa downtown area, habang may ilan ding daan sa uptown area ang binaha.

May ilang sasakyang nagkaaberya dahil napasukan ng tubig baha ang kanilang mga makina.

Ayon sa PAGASA, nakaranas ng katamtaman hanggang sa malakas na ulan ang lungsod nitong Sabado dahil sa localized thunderstorm.

Nagdulot ng baha ang katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan sa Cebu City nitong Sabado. ABS-CBN News
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.