TINGNAN: Cross stitch ng lalaking may cerebral palsy gawa gamit ang mga paa

Jose Carretero, ABS-CBN News

Posted at Aug 31 2019 06:55 PM

Naka-exhibit ngayon ang mga cross stitch na obra ni John Angelo Ortiz sa isang mall sa Legazpi City. Jose Carretero, ABS-CBN News


Tampok ngayon sa isang mall sa Legazpi City ang mga cross stitch na obra ng isang may kapansanan, kung saan ginamit nito ang kaniyang mga paa. 

Ang 32 anyos na si John Angelo Ortiz ay may cerebral palsy. Pero hindi naging balakid ang kaniyang kapansanan para maipamalas ang kaniyang talento.

Matiyagang ginawa ni Ortiz ang kaniyang mga obra gamit ang kaniyang mga paa. Isa sa mga gawa niya ay ang mukha ni Pope John Paul II. 

Nakilala si Ortiz noong 2015 matapos na personal niyang iabot kay Pope Francis ang kaniyang cross stitch na Madonna Dolorosa sa pagbisita ng Santo Papa sa Pilipinas.

Bukod kay Ortiz, marami pang mga obra ng mga Bicolano artist ang tampok sa exhibit na tinawag na "Art for Everyone."