SOCO: 3 patay matapos pagbabarilin sa binyag

ABS-CBN News

Posted at Aug 31 2019 03:28 PM

 

MAYNILA — Tatlong lalaki ang patay sa isang binyag na nauwi sa madugong barilan sa Barangay Minuyan, San Jose del Monte, Bulacan noong Hunyo 30.

Kinilala ang mga nasawi na sina Joedine Buenaflor, Stalin Gutierrez, at Iris Zarraga.

Ayon sa kuwento ng mga bisita sa binyag, napagtripan ng grupo ng mga suspek ang isang alyas "Richard," dahilan para rumesbak sa kanila ang 3 biktima. 

"Habang naglalakad ako pababa, sinabayan ako ng 2 lalaki. Bigla akong sinapak," sabi ni Richard. 

Dahil sa sinapit ni Richard, dumating sina Buenaflor, Gutierrez at Zarraga para gantihan ang 2 lalaking nanapak. 

Ilang minuto ang lumipas, bumalik sa binyag ang isa sa mga lalaking nambugbog para humingi ng tawad.

Pero matapos nito, bigla na lang daw nakarinig ng di bababa sa 7 putok ng baril ang mga bisita, at doon nakitang nakabulagta na ang 3 biktima.

Dahil sa dami ng panauhin sa pagdiriwang, nakilala agad ang mga itinuturong gunmen. 

Alamin ang buong kuwento at motibo sa krimen sa "SOCO: Scene of the Crime Operatives" ngayong Sabado, 4:15 p.m. pagkatapos ng "Ipaglaban Mo!" sa ABS-CBN.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.