Punong barangay patay sa pamamaril sa contest

ABS-CBN News

Posted at Aug 31 2019 08:38 PM

Patay ang isang punong barangay matapos pagbabarilin sa isang contest sa bayan ng Sapang Dalaga sa Misamis Occidental nitong Sabado.

Kinilala ang biktima na si Rodrick Malazarte, 42, chairman ng Barangay Locus.

Ayon sa pulisya, nangyari ang pamamaril habang isinasagawa ang dance at singing contest sa nasabing barangay. Katabi pa daw ng biktima ang mga board of judges.

Wala umanong natanggap na banta sa buhay ang biktima at wala rin itong kaaway bago ito nasawi.

Hindi pa tiyak ng pulisya ang motibo sa pamamaril habang patuloy pa ang imbestigasyon sa krimen. - Charmaine Awitan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.