Binatilyo patay sa pananaksak sa Bukidnon

Rod Bolivar, ABS-CBN News

Posted at Aug 31 2019 06:12 PM

Ang motor ng binatilyong pinatay sa isang daan sa Barangay Kalabugao, Impasugong, Bukidnon nitong Miyerkoles. Kuha ni Rommel Mata

IMPASUGONG,BUKIDNON - Natagpuang patay ang isang 16-anyos na lalaki sa gitna ng isang daan sa Barangay Kalabugao sa bayan nitong Biyernes.

Nagtamo umano ng maraming saksak sa katawan ang biktima, at ang motorsiklo na pinaniniwalaang minaneho nito ay nandoon pa sa tabi ng bangkay ng ito'y matagpuan.

Sa imbestigasyon ng pulisya, Miyerkoles ng gabi nangyari ang krimen at nakita na lamang ang bangkay ng biktima kinaumagahan.

Blangko pa hanggang ngayon ang pulisya kung sino ang responsable sa pananaksak at kung ano ang motibo sa krimen.

"Undetermined pa ang motive dahil hindi naman kinuha ang motorsiklo ng biktima. Suot pa din niya ang kaniyang backpack at walang nawawalang gamit. Posibleng personal grudge ang dahilan ng pananaksak," ani Police Capt. Joseph Yabo, hepe ng Impasugong Municipal Police Station.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.