Babae sugatan sa pagsabog ng LPG tank sa Makati

ABS-CBN News

Posted at Aug 31 2019 12:39 AM

MANILA - Sugatan ang isang babae matapos masabugan ng tangke ng LPG sa kanyang apartment sa Makati City nitong Biyernes.

Ayon sa pamangkin ng biktima na si Fredelyn Lopez, tadtad ng paso sa mukha, mga braso at binti ang biktima nang datnan niya ito paglabas niya ng kanilang tindahan.

Dito na niya nalaman na nasusunog na pala ang kanilang apartment dahil sa sumabog na tangke.

Sabi umano ng biktima, nasa sala ito ng may narinig na tila sumisingaw sa kanilang kusina kung saan kakakabit lang ng tangke. Bigla na lang daw ito lumiyab nang subukan niyang patayin ang burner.

Nasunog din ang unang palapag ng kanilang apartment pero wala nang iba pang nasaktan.

Kasalukuyang naka-confine ang biktima na nagtamo ng first-degree burns.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.