Osmeña, kinasuhan ng mga pulis-Cebu

ABS-CBN News

Posted at Aug 31 2018 03:49 AM

Cebu City Mayor Tomas "Tommy" Osmeña. ABS-CBN News

CEBU - Kinasuhan ng Cebu City Police Office (CCPO) si Cebu City Mayor Tomas "Tommy" Osmeña ng reklamong administratibo at kriminal matapos umanong pakawalan ang 3 lalaking inaresto ng mga pulis.

Inihain ng CCPO ang mga reklamong obstruction of justice, grave abuse of authority, grave misconduct, at violation of ethical standards for government employees sa Office of the Ombudsman kahapon.

Nangyari ang insidente noong Biyernes matapos hulihin ng Parian Police Station ang 3 lalaki sa T. Padilla Public Market dahil sa paglabag sa Presidential Decree 1865 o pagbebenta ng butane.

Pinalaya umano ni Osmeña ang mga hinuli at sinabihan ang mga kasapi ng estasyon na sa kaniya na naka-kustodiya ang 3.

Ayon kay Senior Supt. Royina Garma, director ng CCPO, ang ginawa ni Osmeña ay paglabag sa batas.

Sinampahan na rin ng CCPO ng reklamo ang mga hinuling lalaki. - Jude Torres, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.